Sunday, October 26, 2008

The Songwriter "Wannabe"? Part II

TORPE KA BA O TANGA LANG?
lyrics by: ICM


i

Hindi mo ba napapansin parang napag-iiwanan ka na?
Kung si Luis may Nancy, Anne at Tony
Yung iba nakalima na o higit pa

Yung kaklase mo sa Geometry na parang walang sinabi
pero magaling palang dumiskarte
Yung nasasalubong mong kahit hindi malakas ang dating
pero dala-dalawa naman ang kasama
Kung ako lang ipagtatayo na kita ng rebolto sa Luneta
Daig mo pa kasi ang martir na Gomburza

REFRAIN:

Porma ng porma hanggang dun lang naman pala ang kaya
Puro ka lang salita wala naman sa gawa
Ewan ko ba guwapo ka sana
pero Torpe ka ba?

CHORUS:

Torpe ka ba o sobra lang sa pagkatanga?
Dahil nakikita mo na
Napapansin mo na
Nararamdaman
Pero panay ka lang dedma

ii

Sabi mo wala kang alam sa panliligaw
at mahiyain pa
Pero dahilan ba yun para manahimik ka?

Naaalala ko pa nung minsan sa library
may babaing lumapit sa'yo at gustong makipagkilala
Hindi ka ba nahihiya?
Ikaw ang lalaki pero ikaw pa ang hinaharana

repeat REFRAIN
repeat CHORUS

1 comment:

Anonymous said...

Para kanino yung song?

May inspirasyon b?

True 2 lyf?

Post a Comment

 

Copyright 2009. All Rights Reserved. ShakespearIANe, Inc. c",)